Halos limang buwan na ang nakakaraan mula ng maramdam ko ang naramdam ko para sa’yo. Tandang-tanda ko pa yung araw na natakot ako sa nararamdaman kong iyon…na parang nagmamahal na naman ulit ako.
Pero, hindi. Hindi naman kita mahal. Yun ang sigurado ako. Gusto lang talaga kita. Gustung-gusto kita na hanggang sa inisip kong baka mahal na nga kita. Pero, hindi. Hindi pa naman ako umaabot sa ganoonng pakiramdam.
Marami nang nangyari. Nasaktan mo ko nang di mo alam, nang di mo sinasadya; at kung tama man ako, naramdam mo ang nararamdaman ko para sa’yo, at umiwas ka. Sobrang sakit pala nun. Dati sinasabi ko na siguro mas mabuti nang iwasan ka ng taong mahal mo kesa naman punuin ka niya ng mga masasayang alaala pero wala naman siyang balak na ipagpatuloy yun. Ngayon, sobrang nasaktan ako sa ginawa mong pag-iwas. Sobrang sakit. Sobra.sobra. Yun tipong naiiyak na lang ako nang hindi ko alam kung bakit. Pero, ganun talaga. Kapag nagmahal ka, masasaktan ka.
Pero, ngayon, gusto lang bumalik tayo sa dati. Bumalik tayo sa pagiging tunay na magkaibigan, na hindi naggagamitan, na walang lihim, na walang iwasan. Ikaw. Ako. Simple lang. Masaya ulit. Sana…
*Feb. 12, 2011 (11:57pm)